Networking or MLM



Networking is good for everyone but not everyone is good in Networking. Hindi kaba nagtataka kung bakit walang commercial sa tv ang mga product sa Networking?? First of all, Ang Networking or MLM (Multi Level Marketing) ay isang paraan din ng advertising, kahit anong product po kelangan nito dahil ito ang paraan para ipakilala ang product sa mga consumer, dahil dyan may mga malalaking company sa buong mundo ang gumagamit ng advertising.

Like ex.Jollibee, madalas naman natin makita sa tv yun mga advertising nila, nakita nyo ba yun kay Aga while kinakagat nya yun chicken joy? Lam nyo ba na sa 1 kagat plang nya dun, "Million" na binayad sa kanya plus yun airtime pa sa tv network and space sa billboard, alam ko lahat tayo gusto din kumita ng million like Aga Mulach, pero hindi kaba nagtataka kung bakit si Aga nalang palagi kinukuha ng Jollibee, hindi tayo? Hindi ikaw? imagine mo nalang, ikaw yun nasa billboard at ikaw na yun kumakagat ng chicken joy? may kumain pa kaya sa jollibee? hehe, joke. Or ex. sa Bench, ikaw yun nakabrief sa billboard, kaya mo kaya? may bumili pa kaya ng brip na un? haha.



So ito ang ang concept ng Networking. Bakit pa ibibigay ng company sa mga artista, tv network, billboard, newspaper, radio yun bayad sa advertising ng product eh kung nandyan naman ang mas madaming tao na consumer? yun tayo naman ang kumita at satin ibibigay yun bayad sa advertising, tayo ang mapopromote ng product sa iba na mabilis kumalat dahil sa information na ipapasa sa iba, parang chismis na mabilis kumalat pero kumikita ka. "Word of the Mouth Advertising" ika nga.

Kahit wala pa noon ang networking, I'm sure ginagawa mo narin yan noon pa. Ex. Nanood ka ng pelikula sa sine, nagandahan ka, nakwento mo sa kaibigan mo, naenganyo syang manood, ang tanong? Binayaran kaba ng director ng pelikula? Ng sinehan dahil naindorso mo sa iba ang pelikula na napanood mo? Hinde.

2nd ex. 
Masakit ang ulo ng friend mo at nagtanong sayo kung ano pwede nyang inumin na gamot,tapos sinabi mo yun gamot na nagpagaling sayo nun sumasakit ang ulo mo (ex. Biogesic, Advil, Cortal etc) bumili sya sa botika ng gamot na sinabi mo, ang tanong, binayaran kaba nun company ng gamot? Binayaran kaba ng botika dahil kung hindi sayo,nakabenta sila? Hinde nanaman.

Yan ang Networking. Kaya dyan nabuhay ang concepto, artista ka ng Product at sariling 
Negosyo mo, kaya palaguin mo sa sarili mong paraan na hiyang ka.






By:
Remie Christopher Jordan
Uniload Dealer